Monday, August 27, 2012

My heroes and the Silliman Idol

As I've been in a reflective mood lately, rediscovering the inner me based on my core values, I had to reach again to my heroes for inspiration. Sure, Jose Rizal is my number 1 idol but I think, medyo masyado nang malayo sa reality ngayon si Rizal. While my primordial values - such as faith in humanity and justice, and the struggle to fight for them - remain anchored on Rizal, I still need more contemporary heroes. Steve Jobs is one - the dreamer, rebel and creative hero that he was. More than a technical genius, he was a marketing genius. And he didn't have to rely on FGDs and tons of data to know the market, he was attuned to the market's social backdrop. So when he fought against the Orwellian tech giants of yore, he didn't have to consult urban men, aged 20-3-, upper C SEC. He just knew what the social millieu was, because he was part of it.

Zoom in to more recent times, and in a more relevant industry, another hero remains fighting - the controversial Alexy Bogusky - who made a name in the advertising industry, and went directly against it. Now, he's back in advertising. The genius in genius is the ability of a person to revolt, even against his own self. While his actions in the latter part of his career at CP+B were much frowned-upon, most probably because of the effect of his mental maturation (or masturbation) on hapless employees, I think it was a needed process for the man. Now, he's turned over again - back into advertising's sly charm - but still maintaining the ethics he fought for. I can sense that now in a new campaign for New Balance, using values and not gimmickry as emotional points (showcasing American values, or belief in America) for selling. He is still an adman, but now enlightened and renewed. Anyway, more of him here.

So, I was in Dumaguete recently as Globe Prepaid sponsored (and managed) the Silliman Idol 2012.  Here are some photos to show why Silliman stands at par with the best universities in Philippines.  Again, I subscribe to the idea that universities are not just measured by lessons they teach - but more so, by the culture they create among their students and within the various communities that comprise the whole university social ecosystem. 

Pao Garrido, Globe Trade Marketing Manager for Negros Island, with a random cutie skater from Silliman (I assume).  :p
Silliman University Icon - the Silliman Portal

A showcase of creativity during SU Founder's Day - the booth fair


Globe Prepaid presents the 2012 Silliman Idol!

Friday, August 24, 2012

Ang tungo ng musikang Pilipino

Noong humiwalay si Rico Blanco sa Rivermaya, pinakinggan ko yung album niya at naalala kong sinabi sa aking sarili at sa mga kaibigan - iyon ang bagong tunog ng OPM. Hindi na lang limitado sa tatlong gitara at isang drumset ang tunog tunog ng OPM. Pumapasok na yung digital accompaniment - na may taste - sa tunog ng radyo. Pero matapos sumikat ng "Antukin," "Yugto," "Your Universe," wala na ulit akong bagong narinig na tunog sa radyo, o Youtube man lang. Maraming bagong sumikat, whether you like them or not, tulad ng Calla Lily, Hale (lol) at mas mainstream na Sugarfree, Itchyworms at Rocksteddy. Nandun pa rin ang mga diyos ng rakrakan - Parokya at Kamikazee. Pero, para sa akin, isa lang ang tunog nilang lahat. Siguro may mangilan na aangat o hihiwalay gaya ng Urbandub at yung eccentric electro na Up Dharma. Pero basically, isang tunog, isang klase ng pagsusulat na puro kalokohan, kakulitan, kabiguan sa pag-ibig at kung anu-ano pang teenager issues sa buhay. Ang nakaka-irita pa, yung mga taong lagpas na sa teenage songs, teenage angst pa rin ang kinakanta.

GLOC 9: LABAN NG KAHULUGAN
Ang isang bituin na hindi bumagsak sa aking paningin e si Gloc 9. "Simpleng tao" pa lang kinakanta niya, mahal ko na siya. May kakaibang tunog; ang pinakamagaling nating rapper pagdating sa skeelz na parang armalite kung mag-rap. Magaling magsulat si Francis M, ang unang hari ng Pinoy Rap, pero sa aking henerasyon, una sa listahan si Gloc 9 mula pagsulat hanggang banat ng dila. Lalo na 'yung kantang "Jologs," na most probably e hindi napakinggan o pinandirihan ng mainstream market, sobrang astig yon. "Mga taga-Binangonan, mga jologs, mga jologs." I mean, sino naman magiisip na ilagay sa lyrics ang nakaka-baluktot dilang pangalan ng Binangonan? Maliban pa don, nanggagaling sa posisyon ng empathy yung kanta - mula sa perspektibo ng mga kabataang dinudusta ng lipunan. Hindi ako jologs, ayoko maging jologs at hindi ko gusto ang ka-jologsan, pero nirerespeto ko ang conteksto ng kanilang paglantad sa lipunan. Ang kanilang dahilan. Kaya rin respetado ko si Gloc 9, dahil bilang manunulat, nailalabas niya sa awit ang saloobin ng isang grupong isinasantabi sa gilid-gilid ng pambansang kamalayan.

Tapos lumabas ang "Upuan," isang social critique sa pamahalaan. Napakinggan sa radyo, pinatugtog sa YouTube with more than 4M views for the past 3 years sa Youtube. At ngayong huli naman, lumabas ang album ni Gloc 9 na MKNM o Mga Kwento ng Makata. Pinakamalapit syempre sa aking puso ang kantang "Sirena" for obvious reasons. Muli, pinatutunayan ni Gloc 9 na nagsisilbi siyang salamin sa mga katotohanan sa ating lipunan. Mga katotohanang itinatago o isinasantabi ng mga mata at tengang "kabanalan,kabutihan at kagandahan" lamang ang pinipiling pagtuunan. Mga katotohanang hindi pinapansin ng isang nagbubulag-bulangang "society" na pinamumunuan ng mga alta sociedad (hindi alta sa siyudad, ok?). Kung ganito ang ating mga mang-aawit at manunulat ng mga awit, magkaroon ng bayag gaya ni Gloc 9, baka maging mas relevant sila sa buhay pinoy, lagpas sa relevance ng mensaheng pang-sawing teenager. Hindi naman lahat kasi ng teenager ngayon sawi, marami nang tagumpay na kabataan ngayon.




SI LOONIE AT ANG FLIPTOP: BUHAY SI BALAGTAS
May ilang taon na ring sumisikat sa Youtube ang Fliptop. Laban ng rap ng Pinoy urban rappers sa kung saan-saan, mula garahe hanggang restaurant, hanggang sa malalaking venues gaya ng courts. Noong una, nanonood ako ng mga Fliptop sa Youtube. Hindi ako makapaniwala na milyun-milyon ang nanonood sa kanila online. Ngunit hindi rin kataka-taka dahil matibay naman ang rap foundation ng Pinas na halaw sa pagka-hilig natin sa kulturang Kano. Hindi kataka-taka na madadala natin dito yung rap battles sa Amerika. Noong una, hindi ko gets kasi puro galit at panlalait lang naman ang sinasabi ng mga sumasali. Parang, ano namang nakakatuwa don, naglalaitan lang naman sila, macho lang sila, pero para silang mga bakla sa kanto kung mag-away. Puro salita. Pero fine, nasa nature ng rap na puro salita yon. Ang nakaka-tuwa namang aspeto sa Fliptop e mga "Makata" ang tawag nila sa sarili nila. Nagkaroon ng aspetong Pilipino ang rap: Makata. Tama, dahil hinasang mga salita naman talaga ang kanilang piling sandata. At minsan pa nga'y walang kurap nilang babansagan ang mga sarili bilang nag-Ba-Balagtasan. Siya nga! Siyang tunay!

Ang hindi ko inasahan sa Fliptop, makakapasok sila sa mainstream. Heto sila sa Youtube, hindi na nag-aaway laban sa isa't-isa, ngunit may kanya-kanya nang music videos. Ngunit nanatili ang kurot ng kanilang mensahe. Ito si Loonie - isa sa kanilang hanay. At ang pinakamahalagang aspeto sa pag-angat ng Fliptop at ng Fliptoppers, ay ang pinanggalingan ng mga makata. Hindi sila manufactured, o pinili mula sa magagandang pamantasan (but doesn't mean hindi aral), hindi naman sa wala silang hitsura (mukha pa rin naman silang tao) pero hindi sila yung kilala nating gwapo't magaganda. Hindi galing sa yaman. Walang apelyidong kadikit ng isang malaking pamilya. Ngunit pinakikinggan ang mga katotohanang binibitawan. Disiplinado sa pagsulat. May sense. Practical. At kahit na mukhang gago, maaaninag ang kabutihan ng puso.

Panghuli, kapansin-pansin ang urban landscape ng Fliptop. Malamang, wala namang nag fi-fliptop sa bukirin. Pansin ang epekto ng reach ng internet sa mga kabayanan na nagsisilbing vehicle ng tunog ng Fliptop. Basta abot ng Youtube, naaabot ng Fliptop. Sa ganong lagay, kakabit din ng liriko at himig ng Fliptop ang himig ng rap ng mundo. Para bang takatak ng makinilya ang tumatalak na rapper. Mabilis, nagbabago, at sa ibang banda, progresibo. Iwan na ang harana. Lipas na ang mabagal na ligawan. Sing-bilis ng buka ng bibig ng makata ang pagbabago ng pag-inog ng mundo.




ANG PAGLALAKBAY NI QUEST
At ang pinaka-paborito ko namang bagong mang-aawit ay si Quest. Sa isang kanta niya ko siya nakilala, ang "Sige lang." Dalawang bagay ang nakaka-akit sa kanya. Yung una, napaka-urban ng MTV niya. Para bang sing-urban ng Maynila ang ibang urban centers ng mundo gaya ng New York at Toyko -- mula sa araw-araw na pagsakay ng tren papasok at pauwi sa trabaho, hanggang sa nagkalat na mga gusaling bumabalot sa buong Kamaynilaan. Isang kagubatan ng konkretong humihinga sa polusyon - kung saan araw-araw tayong nabubuhay sa ating maliliit na mga sariling kwento. Mga kwento ng pag-aral sa MRT para sa exam mamaya, o pag-apply sa trabaho sa Makati. Mga kwento ng araw-araw na paglakad sa tabi ng ingay at dungis ng mga jeep at bus ng EDSA. Mga maliliit ng kwento ng paglaban para sa ikagaganda ng ating buhay at ng buhay ng ating mga mahal sa buhay.

Dito papasok si Quest, may bagong tunog at indayog na world-class na maiintindihan at pakikinggan ng iba't ibang lahi ng mundo mula Amerika hanggang Asya. Dito siya, nagbibigay ng isang bagong mensahe sa mga Pilipino - ang mensahe ng Pag-asa. Gaya ni Gloc 9, umaaligwas sa mga awit ng panliligaw, galit/angst, at pa-emo ng mga banda ang mga kanta ni Quest. Mapanghikayat at puno ng positive vibes - gaya ng nararamdaman ng dumaraming Pilipino dahil sa mga magagandang balitang ating mas naririnig ngayon. Inilalapit ang Pilipino sa ritmo ng nagbabagong mundo kung saan hindi maliit ang Pilipino, o kimi, o api, kaawa-awa at mahirap, ngunit kinikilala at respetado, progresibo, hindi dahil sa una tayong pinuri ng iba, kundi dahil napatunayan natin sa ating mga sariling kaya nating magtagumpay.




ANG BAGONG HIMIG AT INDAYOG NG MUSIKANG PILIPINO
Marami pang trends at pagbabagong umaangat sa OPM. Nariyan din ang mga bagong mang-aawit na nakikilala, una gamit ang kanilang katutubong wikang panlalawigan, hanggang mapakinggan sa Maynila at sa buong Pilipinas. Ngunit, wari ko, o umaasa ako, na ang tatlong ito - sino Gloc 9, Loonie kasama ng iba pang makata ng Fliptop, at ni Quest, ang kasalukuyang gumuguhit ng direksyon ng Pinoy Music. Patunay sila na una (1), nananatiling salamain ng lipunan ang ating musika. Ang isang musikang patuloy na lumilikha ng bagong mga ritmo, tunog at mensahe ay senyalis na buhay pa ang lipunang pinanggagalingin nito. Nag-iisip pa tayo. Lumilikha pa tayo. Ikalawa (2), nanggagaling sa gilid-gilid ng lipunan ang mga bagong sisikat na trends na kikilanin ng lahat. Maaaring maliit pa lang ang kanilang boses. Maaaring kaunti pa lang ang nakakakilala sa kanila, pero naniniwala ako, mas sisikat pa sila. Mas pakikinggan, mas maiintindihan. At ikatlo (3), urban ang backdrop ng baong musikang Pilipino. Dahil urban ang ating mga concern from urban problems to urban dreams and urban hopes. Ang musikang relevant sa atin, urban din dapat ang tunog, mensahe at conteksto.

Bilang isang tagapagmasid ng ating kasaysayan, paulit-ulit kong sasabihing may pag-asa pa tayo bilang isang bayan - isang bayan kung saan nanatili ang mga manunulat at mga makata, mula pa sa tinta ng pluma ni Rizal, nagsisilbi bilang mga mandirigma at bayani ng lipunan -- lumalaban para sa patuloy na pag-unlad ng bayan, pang-angat ng lahi, para sa katotohanan at katarungan.

May pagasa ang musika, at may musika ang pagasa, kaibigan. Sabi nga ni Quest, at matagal nang sinasabi ng Globe, "walang imposible." Sulong lang, sige lang, sige lang.

Wednesday, August 22, 2012

Directions

Buddha said that man's work is to find his work and devote himself to it.  In more technical terms, I think, what he's saying to find your dharma - your duty.  Is it your duty to be a leader?  A creator?  A farmer?  Is it your duty  to create music?  Teach lessons?  Feed the world?  Or simply to clean this earth - from the office to the shores?  Whatever it may be, the road to this conclusion is one of the hardest, if not the hardest, roads we have to travel in life.  Some may have been set on their directions from childhood.  Some have yet to find their work at old age. But where ever you are on this journey, finding this conclusion brings you to a level of joy and enlightenment that makes you a better participant in this universe. A better person, a better man. And if you've become better in your humanity, aren't you a bit closer to becoming the best that you can be?

Some believe in destiny. Some believe in making their own destiny. But I think it is both. To achieve your destiny, you have to make it. Sounds bullshit but it really makes sense. And there's a lot of true bullshit on this Earth. Like the bullshit that you are your own enemy. Actually, it is true but it is complicated. The truth is, there's a part of you that's created by the society around you - with all the hypocrisies, vanities and pretentions society has, together with the best it has to offer, its virtues. That is your enemy. And the you that fights it - or that should fight it - is the you that believes in what's best for you. You fight to live the way you want to live - and people call you greedy. You fight to live simply and society calls you backward and lazy. Any which way you go, society has something bad to say about you. So why don't you just go on the path that makes you happy? Only, you have to do the first step left, right or center - despite society.

And ain't the travel more enjoyable if you're with a friend or a lover to travel with? :) If you aren't lucky to find your conclusion, it's a different kind of luck to at least find a person you can journey with.

So, here's to journeying on.