Sunday, August 28, 2011

DJ Funk Avy

There are many great songs out there from great artists but I like how they are being re-interpreted by DJs. Mixing shows that you don't need to sing or to play a musical instrument (although it immensely helps) to show your creative inclination towards music.

Posting my current favorite mashups by Funk Avy.


Thursday, August 25, 2011

Bulong ng hininga

muli akong tutula
ng mga salitang titindig sa mundo ng araw-araw
upang kapitan, hawakan, maramdaman
ng mga matang naghahanap ng pangarap sa maulap na langit
mga matang nagtatanong

"kaya ko ba?"
"kaya pa ba?"

ng mga labing humahabol sa dampi ng pag-asa
ng mga hukot na likurang pasan ang 'sang libong
daigdig ng pag-ibig, pamilya, karera

ng mga kamay na kumakapa ng init ng yakap
na humihingi ng akbay, saklolo, ng ilang salita ng pangako.

hindi kaya ng aking braso ang bigat ng pag-salo.
bagsak din ako gaya mo.
kaya hayaan mo akong tumulong sa paraang alam ko.
kaibiga, ito ang ilang berso para sa 'yo.