Friday, May 31, 2013

Salamat Globe, kita tayong muli. :)


Hello.

(Pakinggan ang “Iisang bangka” ng The Dawn habang binabasa for full effect.  Ito po ang link)



I just want to say express again my deepest and sincerest gratitude to everyone I’ve worked with during my stay here in Globe, especially during my Brand Activation/Event days.  Thank you, from the deepest most unfathomable reaches of my heart, thank you.  Hindi sapat ang mga salita upang mapasalamatan ko kayong lahat, sa inyong tulong at suporta, tiwala at pakiki-isa, sa inyong pagod at talino, sa ating mga pinagsaluhang katuwaan, katatawanan, at kaligayan, sa ating pag-sulong. 

At higit sa lahat, salamat sa pagkakabigan.  Kahit na may mga hindi tayo mapag-kasunduan, salamat sa pakikinig.  Kahit na may iba-iba tayong dahilan at nais patunguhan, salamat sa pag-iintindi.  At kahit na may iba-iba tayong mga pakay at pag-uugali, madalas tayong kumikilos ng sabay-sabay at magkasama, nagkaka-isa.  Truly in the direst and hardest situations we see each other’s grace and become friends.  And that’s what I will never forget in Globe.  Na nagkaroon ako ng mga kaibigan sa buong Pilipinas. 

Sa pagkaka-kilala ko sa inyo, at pag-sama sa inyo, mula sa pag-kain ng puki-puki at pigar-pigar, Cebu boneless lechon, Durian ice cream, at kung ano-anong uri ng Pancit, at sa ating pagharang ng mga batang frat sa Pampanga (kung saan naitatag ang samahang Alpha Phi Chupapi), at pagpapalipad ng daan-daang mga kabataan sa kung saan-saang bahagi ng Pilipinas para sa Campus Connect Super Showdown (sayang, hindi ako sumikat), nakita at naranasan ko ang ganda ng Pilipinas at sarap ng pagiging Pilipino.  Talaga palang it’s more fun, lalo na ‘pag may boss na napagke-kwentuhan.  Joke.

So, muli, salamat.  Sana muli tayong magka-kita-kita at magka-ulayaw sa hinaharap.  Reminder, please, bayaran niyo ang mga mahal (mahal meaning “beloved,” at hindi “pricey”) nating suppliers.  Naka-PR po ang lahat ng  events ko at may karampatang Waiver of Competition (may kopya po si Ms. Mal ng lahat ng iyon).  Mabuhay po kayo, at lagi, sulong sa liwanag.   

"Amidst everything, we put up a gallant fight not just sometimes, but all the time, for our business, for the lives of the people we serve and for the people who work to serve them."

Sa huling pagkakataon,


Ian
Ian Francis Velasco
Brand Events - Globe Prepaid
Consumer Marketing
Globe Telecom

0927 889 4152 (Naka-GoSAKTO po ako)
ianvelasco.manila@gmail.com
vthefantastic.blogspot.com
twitter.com/vthefantastic